PANOORIN: Aso muntik nang lapain ng pating, sinagip ng mga kapwa aso

196

We don’t deserve dogs, indeed.


Kapapasok pa lamang ng taon nang nag-viral ang video ng isang asong muntik nang gawing laman-tiyan ng pating kung hindi dahil sa mga kaibigan nitong aso.

Sa umpisa, makikita ang asong nasa tubig, malapit lang sa pampang, nang nahuli sa video ang mabilis na paglangoy ng pating palapit sa biktima nito.

Agad namang gumalaw ang aso at sa kabutihang palad ay nagawang makaiwas sa pating habang ang dalawa pang aso ay sumaklolo at sinugod ang gutom na pating.

Nanaig ang pagkakaibigan at loyalty ng mga aso habang umalis namang gutom ang pating.

Facebook Comments