PANOORIN: Aso na itinali sa kotse, nakaladkad sa daan

243
Image via Headline Daily

Nakuhanan ng ilang concerned citizen ang video ng isang driver sa China na itinali ang aso sa likod ng kanyang sasakyan at hinayaan itong makaladkad sa daan.

Makikita sa video na nagpapahinga ang itim na aso habang nakatigil ang sasakyan kung saan ito nakatali.


Nang umandar, kitang pinipilit nitong makahabol, ngunit nakakaladkad pa rin.

Agad inimbestigahan ng awtoridad ang insidente matapos kumalat ang video.

Ayon sa ulat ng Headline Daily via AsiaOne, inako naman ng driver ang insidente at sinabing ginawa niya ito dahil sa malakas na amoy ng aso na kakukuha niya lamang sa pet shop nang araw na iyon.

Binawasan naman ng awtoridad ng dalawang points ang driver; ang Driving Point System sa China ay may 12 points kada taon.

Bukod dito, pinagmulta rin ang lalaki ng 100 yuan o halos P700.

Facebook Comments

From Advertisers