PANOORIN: Barbie Forteza, nabiktima ng ‘basag-kotse’ gang sa QC

3931
Screenshot from Jak Roberto's YouTube channel

Nabiktima ng “basag-kotse” modus si Barbie Forteza at kanyang mga magulang sa Kamuning Road, Quezon City nitong Disyembre 21 ng gabi.

Ibinalita ng nobyo ng aktres na si Jak Roberto ang insidente sa kanilang vlog noong Martes kasama ang nanay ni Barbie.


Kuwento ni Forteza, nadatnan niya na lang na basag na ang bintana ng kanilang sasakyan na naka-park malapit sa K-1st Street.

Natangay ang bag ng nanay ng aktres na masuwerte naman umanong walang laman na malaking halaga ng pera.

Wala ring nasaktan sa mag-anak.

Paliwanag sa kanila ng pulis, hindi raw gumagana ang mga CCTV sa lugar kung saan marami na ring nabiktima ng “basag-kotse.”

Kinastigo naman ito ni Roberto at ng nanay ni Forteza na parehong nagsabing bakit ang biktima ang kailangan mag-adjust.

Facebook Comments