PANOORIN: ‘Bawas tinapay’ modus ng isang delivery boy, naaktuhan

15075
Screenshot from Abbi Cabanding's video on Facebook

Nababahala ngayon ang ilang taga-tangkilik ng Gardenia matapos mag-viral sa social media ang isang delivery boy na nahuling binabawasan ang mga nakabalot na tinapay.

Sa video, makikita ang trabahador na binubuksan ang mga pack ng tinapay, binabawasan, at muling kinakabitan ng clip, saka ibinabalik sa tray na nakasalansan pa sa delivery truck.


Nagpahayag ng pagkabahala ang ilang netizen dahil posibleng bukod sa nabawasan ay nadumihan din ang mga tinapay sa loob.

Mungkahi pa ng ilan, dapat daw ay magpalit ng packaging o i-seal nang mas maayos ang mga tinapay ng Gardenia.

Naglabas naman ng pahayag ang Gardenia sa kanilang Facebook page.

Ani kompanya, ikinalulungkot nila ang insidente at tiniyak na iniimbestigahan na ito.

Prayoridad daw ng Gardenia ang kalidad at pagiging ligtas ng kanilang produkto, pati na ang kapakanan ng mga bumibili.

Facebook Comments