PANOORIN: Buhawi, nanalasa sa General Santos City

554
COURTESY RMN GENSAN

GENERAL SANTOS CITY – Nawasak ang ilang kabahayan at gusali dito sa lungsod matapos dumaan ang isang buhawi nitong Huwebes.

Sa paglilibot ng RMN GenSan, makikita ang tumumbang poste ng kuryente at mga punong nakahambalang sa lansangan nang sanlatain ang Barangay Bula pasado ala-1 ng madaling araw.


Nawalan ng supply ng kuryente sa lugar dulot ng hagupit ng buhawi.

Maliban dito, nagkalat din sa labas ng ilang tahanan at establisyimento ang mga lumipad at bumagsak na yero.

Tanaw naman sa kinaroroonan ni Jihad P H-noor, residente ng Barangay Dadiangas West, ang ilang nagliliparang bagay habang maririnig ang sigawan ng mga tao at malakas na bugso ng hangin.

Patuloy na nagsasagawa ng clearing operations at nag-iikot ang mga otoridad para tingnan ang lawak ng pinsalang dala ng buhawi.



Wala namang naiulat na namatay o kaya’y inilikas dahil sa insidente.

Facebook Comments