PANOORIN: Bus lumusong sa mala-dagat na baha sa Cagayan

5211
Courtesy Genesis Navarro

Viral ngayon online ang pakikipagsapalaran ng isang pampasaherong bus sa rumaragasang baha sa Abulug, Cagayan.

Sa kuhang video ni Genesis Navarro, makikitang pinipilit ng drayber na dumaan sa mala-dagat na baha sa highway ng Barangay Calog Sur, sa naturang lalawigan.


Kuwento ng uploader, muntik nang tumirik ang bus habang sinusuong ang halos lampas tao na tubig-baha. Pero sa huli, mapayapa itong naitawid ng tsuper.
Matinding naapektuhan ang mga residente ng nasabing bayan makaraang bumuhos ang ulan na dulot ng tail-end cold front.
Batay sa pag-iikot ng Cagayan PDRRMO, mahigit 30 tirahan at ilang establisyimento ang nasira sanhi ng masungit na panahon.
Sa ngayon, umabot na sa mahigit one millions views ang makatindig-balahibong karanasan ng motorista at mga pasahero.
Facebook Comments

From Advertisers