PANOORIN: Compilation ng Bottle Cap Challenge ng international stars

48
Screenshots via Mariah, Justin and Kendall on Instagram

Tampok ngayon sa social media ang ‘Bottle Cap Challenge’ kung saan tatanggalin ang takip ng bote nang hindi hinahawakan ng dalawang kamay.

Marami namang international stars ang gumawa nito at ibinahagi sa Instagram o Twitter tulad nila Kendall Jenner, Justin Bieber, Mariah Carey, John Mayer at iba pa.


Namangha ang mga netizen nang ipinarinig ni Mariah Carey ang kaniyang mataas at matining na boses na nagpa-angat sa takip ng bote. Sa kasalukuyan ay mayroon na itong 4 million views sa Instagram habang 30 million views sa Twitter na may 1.7 million likes.

Mapapanood sa Instagram post ni Kendall Jenner na habang nakasakay sa isang jet ski at gamit ang paa ay natanggal nito ang takip ng bote.

View this post on Instagram

you asked for it @haileybieber …

A post shared by Kendall (@kendalljenner) on

 

Ipinakita naman ni Justin Bieber ang kaniyang kick sa kaniyang video na may 20 million views.

View this post on Instagram

I nominate Tom cruise and Hailey Bieber

A post shared by Justin Bieber (@justinbieber) on

Tulad ni Justin Bieber, flying kick din ang paraan ni Ellie Goulding ng bottle cap challenge. Malapit na rin itong umabot sa 4 million views.

Si John Mayer ang huli na may 6.5 million views sa Instagram.

Facebook Comments

From Advertisers