PANOORIN: Dalagita, na-trap sa baby swing habang gumagawa ng TikTok video

(Screenshot from SWNS YouTube video)

United Kingdom – Mahigit isang oras ang itinagal bago tuluyang matanggal ang 14-anyos na babae mula sa pagkakaipit sa baby swing.

Hulyo 12 nang gumawa ng TikTok video si Layani Maclean sa isang parke kasama ang kanyang mga kaibigan na may kalakip na pag-upo sa baby swing.

Dahil sa laki ni Layani, hindi niya magawang maiduyan ang naturang swing hanggang sa tuluyan na nga siyang na-trap dito.


Makalipas ang halos 90 minuto, napilitan nang tumawag ng rescue ang ina ng dalagita na si Charlie Maclean.

Kwento ni Charlie, noong una raw ay natawa pa siya nang makita ang itsura ng anak ngunit unti-unti umano niyang napapagtanto ang hirap ng kalagayan nito.

Sa tulong ng mga bumbero, tagumpay na nakaalis si Layani sa baby swing gamit ang cleaning liquid soap habang ingat nilang inaalalayan ang katawan nito.

Malaki ang pasasalamat ni Charlie sa mga tumulong na makaalis ang kanyang anak.

 

Facebook Comments