PANOORIN: Dating spox Harry Roque, sumabak na rin sa Tiktok dance craze

712
Video clip captured from Facebook/Harry Roque

Bukod sa mga celebrity, certified Tiktoker na rin ang dating Presidential Spokesperson na si Harry Roque.

Game na kumasa sa kinahuhumaling dance challenge si Roque na ibinahagi niya sa social media nitong Miyerkoles ng hapon.


Kita sa 10-segundong dance video ang pag-indak niya sa awiting “The Weekend” ni Sza habang may nagliliparang puso sa background.

“First Tiktok vid! Follow me on Tiktok @harryroque3 #weekendchallenge”, post ng noo’y tagapagsalita ni Pangulong Duterte sa Facebook at Twitter.

Ang Tiktok ay kilalang video-sharing social networking service kung saan puwedeng lumikha ang mga netizen ng lip sync, talent, or comedy video.

Bago naging tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakilala si Roque bilang isang human rights lawyer at professor sa University of the Philippines (UP).




Ilan sa mga kasong hinawakan niya ay ang Maguindanao Massacre at pagpatay sa transwoman na si Jennifer Laude.

Matatandaang naghain si Roque ng kandidatura sa pagka-senador para sa 2019 Midterm Elections subalit umatras kinalaunan matapos ma-diagnose ng “unstable agina coronary disease.”

Facebook Comments