PANOORIN: ‘Galawang Chavit’ video ni Chavit Singson katabi si Catriona Gray, viral

2214

Hindi lang pagkapanalo ni Senator Manny Pacquiao kontra Keith Thurman ang nag-trending, dahil usap-usapan din ang video nina Miss Universe 2018 Catriona Gray at politiko at businessman na si Chavit Singson sa MGM Grand Garden Arena.

Sa video, makikitang busy sa cellphone ang beauty queen na nakaupo sa bench, habang kapansin-pansin namang inaantok si Chavit na nasa tabi nito.


Maya-maya’y tuluyang napapikit ang politiko at unti-unting napapahilig ang ulo sa direksyon ni Catriona.

Napalingon naman si Catriona habang papalapit na ang ulo ni Chavit sa kaniyang balikat.

Agad namang nagising ang politiko at umayos sa pagkaka-upo, na nginitian na lang ng beauty queen.

Naaliw naman ang netizens at binansagan na “Galawang Chavit” ang mala- “Hokage moves” ni Chavit sa video.




Si Chavit ay presidente ng LCS Group of Companies na isa sa mga major sponsors ng Miss Universe pageant simula nang ganapin ito sa bansa noong 2017.

Facebook Comments