PANOORIN: Ibon na ‘tumatahol’ kasama ang mga aso, viral

425
Screenshot via Ursula Gray on Facebook

Aliw ang mga netizen sa ibon na kasama ng kaniyang ‘dog squad’ na animo’y nakikitahol kasama nito.

Isang cockatoo ang nakisama sa kaniyang mga kaibigang aso ang naging viral sa internet na may 5 million views.


Isa sa mga matatalinong ibon na naitala ang cockatoo, na katulad ng mynah at parrots na gumagaya ng mga salitang naririnig mula sa mga tao.

Ibinahagi ito ni Ursula Gray sa kaniyang Facebook ang video na mapapanood ang ibon na ‘tumatahol’ buong araw.

Nakatira si Ursula sa Alberton, Gauteng sa South Africa. Naaliw naman ang mga netizen sa ibon na naglalakad pa umanong parang aso.

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 28,000 reactions at 135,000 shares.




Panoorin ang kabuuan ng video:

Facebook Comments