PANOORIN: Koreanong todo birit ng ‘Sayang na sayang’, viral

Screenshot via Dylan Wang Fanpage on Facebook

Bumilib mga netizen ang video kung saan ang isang koreano ay bumirit ng kantang pinoy na ‘Sayang na sayang’ ng Aegis.

Mapapanood sa video na maayos ang pagkakabigkas nito sa lyrics ng kanta at naabot ang mga matataas na nota.

Ayon sa isang netizen na nagkomento, “Kaya sana po sa lahat ng aking kababayan dito sa Pilipinas. Huwag po agad tayo manghusga kung bakit ang mga kabataan ngayon ay nawiwili sa mga Kpop idols.”


“Hindi natin alam na isa tayo sa mga kinawiwilihan at hinahangaan pagdating sa larangan ng musika. Nawa’y baguhin po natin ang pagiging judgemental bagkus suportahan nalang natin bawat isa,” dagdag niya.

Ani naman ni GM Ibanez, “Aegis would be so proud when they heard this.”

“Being appreciated by Filipinos in singing, that means, you’re absolutely great,” sabi naman ni Matilda Roces.

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 17,000 reactions, 390 comments at 4,300 shares.

Panoorin ang kabuuan ng video:

Facebook Comments