PANOORIN: Lalaki, nanloob sa restaurant suot ang Spider-Man mask

482
Pinal County Sheriff’s Office / Facebook

Nakabihis Spider-Man ang isang lalaking nang-holdap sa isang restawran sa Arizona, United States.


Pumasok ang hindi pa nakikilalang lalaki mula sa likod ng kainan noong Marso 12, batay sa Facebook post ng Pinal County Sheriff’s Office.

Marahil ay may baril umanong nakaipit sa bewang ng suspek habang inuutusan ang mga empleyado na bigyan siya ng pera, batay sa makikita sa security footage.

Tantiya ng mga imbestigador, nasa 5’1″ hanggang 5’5″ ang taas ng lalaki na walang ibang pagkakakilanlan bukod sa superhero mask.

Natangay ng kriminal ang tinatayang $300 (P15,000), ayon sa pulisya.

Facebook Comments