PANOORIN: Lalaki, tumalon sa 50-ft na balon para iligtas ang na-trap na python

(Screenshot of the video from YouTube)

THRISSUR, India – Lakas-loob na tumalon ang isang lalaki sa 50-ft na balon para iligtas ang na-trap na python sa malalim na tubig.

Mapapanood sa video ang unti-unting pagbaba ng lalaki gamit ang isang lubid na nagsisilbing hawakan niya para makuha ang ahas.

Maya-maya pa ay makikitang tagumpay na nakuha niya ang naturang ahas sa tubig na agad namang pumulupot sa kanya.


Ilang saglit pa ay hinila siya pabalik ng mga naging katuwang sa rescue operation hanggang makaakyat.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, malapit na sana silang makaahon nang biglang nakabitaw ang lalaki sa lubid at nahulog sa tubig ng balon.

Mabuti na lamang at hindi siya nasaktan gayundin ang hawak niyang python.

Muling kumapit ang lalaki sa lubid at sa ikalawang pagkakataon ay ligtas na naidala ang ahas at naibalik sa kagubatan.

 

RELATED STORIES:

Bag na ninakaw sa garahe, 3 pythons ang laman

TINGNAN: Pinakamalaking Burmese python sa buong mundo, nakatira sa bahay ng amo

PANOORIN: Python, sinakmal ang usang umiinom sa lawa

 

Facebook Comments