PANOORIN: “Little Drummer Girl” ng Divisoria

Screenshot via Facebook/Lany Briones

Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang isang 10 taong gulang na batang babae dahil sa husay nito sa pagtugtog ng drums.

Sa bidyong inupload ni Lany Briones, mapapanood na tila sisiw sa paslit ang kanyang piyesang tinutugtog at galing tuwing hinahampas ang drums.

Kuwento ng uploader, matagal nang nagtatambol ang musmos kasama ang ama at kapatid. Pumupuwesto ang pamilya sa kahabaan ng Divisoria at iniipon ang perang nakakalap mula sa mga donors.


Hindi mapigilan mapa-wow ng mga taong nakakita sa talentong ipinamalas ni little drummer girl.

Umani ng mahigit 200,000 views and shares ang posted video.

Facebook Comments