TINGNAN: Manny Pacquiao namahagi ng balato sa Saranggani Province

Screenshot via Facebook/David Sisson

Isang buwan matapos magwagi sa bakbakan nila ni Keith Thurman, sinorpresang dinalaw ni Senador Manny Pacquiao ang kaniyang mga kababayan sa Brgy. Spring, sa bayan ng Alabel, Saranggani Province.

Pahayag ng kaniyang staff na si David Sisson, biglang naisip ni “Pacman” na pumunta sa naturang probinsiya nitong Sabado ng hapon.

“He just thought of going there. He did not inform the media. He just wanted to visit the Pacman village and gave out P1,000 for the adults and P500 for the kids,” saad ni Sisson.


Bakas sa mukha ng mga residente roon ang kasiyahan matapos maambunan ng balato mula sa “People’s Champ”.

Dagdag ni Sisson, halos 600 na katao ang nabigyan ni Pacquiao ng salapi.

“Not just the Pacman villagers. There are times that along the highway, he would stop by a tricycle driver or a jeepney driver. He talks to them and then give out some cash” tugon ni Sisson.

Madalas dayuhin ng ilang indibidwal ang tirahan ni Pacquiao sa General Santos City upang makahingi ng balato. Kadalasan sa mga pumupunta roon, meron kapamilyang may karamdaman o malaking bayarin sa pagamutan.

Facebook Comments