PANOORIN: Mautak na kabayo, nagpapatay-patayan tuwing may gustong sumakay

Screengrab from Kritter Klub's YouTube video

Tila napagod o nagsawa na kakabuhat ng mabibigat ang isang kabayo na viral ngayon dahil sa style nitong pagpapatay-patayan para iwasan ang mga gustong sumakay sa kanya.

Umabot na sa 2.5 million views ang video ng award-winning na acting ng mautak na kabayong si Jingang mula sa China.

Sa video, makikitang sumasalampak sa lupa si Jingang ‘pag may aakyat sa kanya.


May isang beses pa na hindi pa man nakasasakay ang tagapangalaga niya, umikot-ikot na ito, tumumba, at naglabas pa ng dila para kumpletuhin ang palabas.

Bumabangon ang artistang kabayo ‘pag nararamdaman niya o nakikitang wala ng tao malapit sa kanya.

Bakas din sa mukha ni Jingang ang animo’y ngiting wagi tuwing napalalayo ang mga gustong mangabayo.

Tinawag na “cute but naughty” ng amo ang ginagawa ng kabayo na kinagiliwan din naman ng mga netizen.

Facebook Comments