Nauwi sa katakot-takot na karanasan ang noon sana’y paggagawa lang ng TikTok videos ng grupo ng mga kabataan sa isang beach sa Seattle, Washington US.
Ibinahagi ng TikTok user noong Hunyo 21 sa pangalang ughhenry ang aniya’y traumatic na karanasan nang mapag-alaman nilang bangkay ng tao ang nasa loob ng maletang kanilang natagpuan sa batuhan.
Saad caption ng video, “Something traumatic happened that changed my life checkkkk 😐🥺.”
@ughhenry Something traumatic happened that changed my life checkkkk 😐🥺 @natthecvt #fyp #viral #crime #murder #randonautica #randonauting #scary #washington
♬ Creepy, scary, horror, synth, tension – Sound Production Gin
Mapapanood ang naturang grupo na nilapitan ang maleta habang nasa batuhan ito kaya nagpasya silang alamin kung ano ba ang nasa loob ng bag.
Sa una’y inakala pa raw ng magkakaibigan na pera ang laman ng nakitang maleta.
Nang buksan ito ng isa sa mga babae, isang itim na plastik ang bumungad sa kanila na may nakakasulasok daw na amoy.
Dito na raw sila nagpasyang tumawag ng mga pulis dahil nagsimula silang makaramdam ng takot at kaba.
Sa report na inilabas ng Seattle.gov, iniimbestigahan na ang bag na nakita ng mga kabataan nang makumpirmang bangkay nga ang nasa loob nito.
Nang rumesponde umano ang awtoridad sa natanggap na tawag, isa pang bag na may laman ding katawan ang natagpuan umanong lumulutang sa tubig.
Sa pakikipagtulungan ng West Seattle Police sa King Country Medical Examiner’s Office ay sinimulan ang imbestigasyon.
Ayon naman sa mga kabataan, napadpad sila sa lugar matapos silang dalhin doon ng Randonautica, isang app na nakakapagbigay ng direksyon.
Ibinahagi naman ng uploader na labis ang naidulot na takot sa kanya ng nangyari.
Sa ngayon ay mayroon ng mahigit 15M views, 3.8M likes at libo-libong komento ang naturang video online.