PANOORIN: MMDA officer, nagreklamo sa paninigaw at pagmumura ng mga pasahero

372
Screenshot via Bong Nebrija on Facebook Live

Sa isang Facebook live, mapapanood si Bong Nebrija, chief ng Metropolitan Manila Development Authority Task Force for Special Operations, na minura at sinigawan ng mga pasahero sakay ng isang bus sa EDSA.

Kita rin sa video na pinagsasabihan niya ang mga pasahero na nagrereklamo dahil sila raw ang nagbabayad ng tax na pampasuweldo sa MMDA.


Sagot naman ni Nebrija, nagbabayad din siya ng tax. Paliwanag ni Nebrija, tinetekitan kasi nito ang mga bus na hindi sumusunod sa nakatakdang lane o traffic violation.

“Huwag kami ang sisisihin niyo. Inaayos naman ang traffic dito. Wag niyo kaming sisigawan,” ani Nebrija.

Pahayag ni Nebrija, ganito ang kanilang dinadanas na kung sino pa nag-aayos ng daloy ng trapiko sa EDSA at nagpapatupad ng alituntunin ay sila pa ang nasisigawan at namumura.

Panoorin ang video:

Facebook Comments

From Advertisers