PANOORIN: Motoristang nagpa-full tank ng kotse, umalis nang hindi nagbabayad

2746
Screenshot captured from Mariz Yumul's video on Facebook.

Isang motorista ang nakunan sa close-circuit television (CCTV) camera na tumakas matapos magpa-full tank ng kaniyang kotse sa isang gasolinahan sa Balagtas, Bulacan.

Batay sa Facebook post ng pump attendant na si Mariz Yumul, humingi pa umano ng resibo ang drayber ng SUV at nang mabigyan, bigla na siyang umalis.


Makikita din sa CCTV footage na walang plaka ang minamanehong Mitsubishi Adventure ng lalaking hindi nagbayad.

Sa pamamagitan ng social media, nanawagan si Yumul sa kung sinuman nakakakilala sa lalaki.

“Baka po may nakakakilala sa taong ito. Nagpa-gas po siya, full tank w/gallon nanghingi po siya ng resibo, ako naman niresibuhan ko siya di ko namalayan na bigla nalang po siya umalis dito po yan sa Balagtas”.

Hindi inilahad ng biktima ang sumatotal ng gasolinang pinakarga ng tsuper.

Umaasa rin ang kahera na magsisilbing babala sa mga kapwa-trabahador ang naturang bidyo. 

Facebook Comments

From Advertisers