Niyanig din ang internet sa video kung saan lumindol ng 7.1 magnitude habang on-air ang dalawang broadcaster sa isang news program show sa Los Angeles, Estados Unidos.
Sina Sara Donchey at Juan Fernandez ng CBS LA ay nasa kalagitnaan ng news reporting live broadcast sa studio nang yumanig ang 7.1 magnitude earthquake.
“We are experiencing quite a bit of shaking if you bear with us a moment,” pahayag ni Sara. “We’re making sure nothing is going to come down in the studio here,” aniya.
Mapapanood sa video na medyo natakot si Sara sa pagyanig at nagtago siya sa ilalim ng desk na isang precautionary measure kapag lumilindol.
“This is a very strong earthquake,” ani Sara. “8:21 here and we’re experiencing very strong shaking. I think we need to get under the desk Juan,” dagdag niya.
Hinahangaan naman ng mga netizen ang kaniyang naging reaksyon habang lumilindol dahil alam niya ang dapat gawin kahit na .
“People making fun of Sara Donchey, she did everything right. She said the facts then set a good example. She’s sitting under a lighting grid of 400 hot metal lights. The building may hold but the grid ain’t rated for a quake,” komento ni Zoe Samuel.
Panoorin ang kabuuan ng video:
VIDEO of @NewsJuan #KCAL #KCBS @KCBSKCALDesk on the air when the earthquake struck. #EarthQuake pic.twitter.com/pnnFuTq5XK
— Alan Springer (@AlanSpringer) July 6, 2019