Panoorin: Pagkahulog ng isang hiker sa talon, nakuhaan sa sariling camera

Nakuhanan sa sariling GoPro camera ang pagkahulog ng isang babae mula sa talon na may taas na 50-ft habang nasa Ka’au Crater Trail, Hawaii kasama ang kanyang mga kaibigan.

Si Heather Friesen, isang volleyball player ay nagtamo ng injuries gaya ng pagkabasag ng kanyang ribs, lungs, maging ang kanyang balikat matapos itong madulas habang tinitignan ang naturang talon.

Photo: Heather Friesen Instagram

Mapapanood sa video ang aktwal na pangyayari na tumagal ng mahigit isang minuto.

Ani Heather, “You can see in the video there’s kinda this little trickle of water that was in the shadows, which I didn’t see.”

Dahil hindi napansin ang madulas na parte, humakbang siya papalapit hanggang tuluyan na ngang nadulas at nahulog.

“There was this little ridge on the waterfall right by my left hand — I can still picture it in my head — and I was like, ‘I’m going to grab on,’ but it was too slippery so I kept falling.” dagdag pa niya.

Mapapanood rin sa video na tila hirap na hirap si Heather sa paghinga matapos ang malagim na pangyayari.

Agad namang nasaklolohan ng isa sa kanilang mga kasama si Heather at naisugod sa ospital.

 

Ang naturang insidente ay nangyari 3-taon na ang nakakalipas ngunit kamakailan lamang lumabas ang video.

Facebook Comments