PANOORIN: Pagsabay ng construction workers sa zumba ng mga pulis, nakuhanan

(Courtesy: Flor-Ann Hernandez Reonal)

Hataw sa pagsayaw ang dalawang construction workers na hindi alintana ang pagod sa pagtatrabaho para makisabay sa exercise ng mga pulis sa Camp Crame.

Sa ibinahaging video ni Flor-Ann Hernandez Reonal, isang policewoman, makikita ang mga pulis na nagzuzumba at sa tuktok ng construction site, matutunghayan ang dalawang lalaki na todo rin sa pagsayaw.

Sa kanyang caption, sabi niya “Sa hirap ng buhay ngayon, dapat marunong ka pa rin mag-enjoy.”


Kwento ni Reonal, tuwing sasapit raw ang Martes at Huwebes, tuwing nagzuzumba raw silang mga pulis, sumasabay raw ang naturang trabahador.

Ang mga workers  na nasa video ay nagtatrabaho raw sa may ginagawang parking building sa tabi ng Crame.

Marami naman ang natuwa sa video at may mga nagsabi pa na bilib raw sila sa mga cinstruction workers, dahil sa kabila raw ng kakarampot na sahod, ay nananatiling masaya ang mga ito.

Facebook Comments