PANOORIN: Pato tinulungan ang paslit sa pagkuha ng nalaglag na tsinelas

1804
Screenshot via Facebook/Myla Aguila

Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang ginawang pagtulong ng isang pato para makuha ng isang bata ang nalaglag niyang tsinelas sa Sitio Madaguldol, Brgy. Inabuan, sa lalawigan ng San Francisco, Quezon.

Sa kuhang bidyo ni Myla Aguila, makikitang kinuha ng pato ang nahulog na tsinelas sa hindi masyadong kalalimang bangit at pilit nitong inaabot sa musmos.


Ilang beses itong nahulog ng matulungin na pato, pero pinulot niya pa rin hanggang sa maibigay sa bata.

Bakas sa mukha ng paslit ang kasiyahan nang makuha ang nahulog na tsinelas.

Pumukaw sa atensyon ng uploader ang nakatutuwang pangyayari kaya naisipan niya itong kuhanan.

Kuwento ng uploader, nagulat siya sa pagiging good samaritan ng hayop lalo na nung madiskubreng niyang hindi pala ito alaga ng bata.

Umabot na sa mahigit 250,000 views ang bidyong ibinahagi ni Aguila sa Facebook na shinare ng libu-libong social media users.

Facebook Comments

From Advertisers