PANOORIN: Pinoy, pinagtanggol ang delivery boy na inaaway ng Chinese national

Contributed Video

Kumakalat ngayon sa social media ang video ng pagtatanggol ng isang Pinoy sa kababayang delivery boy laban sa umano’y mapang-abusong Instik.

Sa video na ibinahagi ng isang concerned citizen, sinigawan at tinangkang saktan ng babaeng dayuhan ang trabahante matapos hindi ibigay ang package nito.

Ipinaliwanag ng delivery boy na kailangan munang ipakita ng Chinese national ang kaniyang ID bago makuha ang nasabing item.


Dahil walang maipresentang ID at hindi makuha ang package, nagwala at inapi na daw ng kaawa-awang lalaki.

Dito na pumagitna ang isang babaeng Pinoy at pinagsabihan ang nagrereklamong banyaga.

Sinabihan ng good samaritan ang pasaway na Chinese national na matutong sumunod sa batas para walang maganap na aberya.

Agad naging viral sa Twitter ang naturang footage at mayroon nang halos 4.1 million views.

Facebook Comments