PANOORIN: Pumanaw na lolo, may inihandang ‘prank’ sa araw ng libing

(Image: DublinLive/WS)

Nauwi sa tawanan ang isa sanang malungkot na libing ng isang lolo mula Dublin matapos nitong iparinig sa lahat ang kanyang nakakatawang naka-record mensahe bago pa man siya tuluyang ilibing.

Sa facebook post ng Dublin Live, ibinahagi nito ang video kung saan makikita ang mga tao habang pinagmamasdan ang ibinababang kabaong ni Shay Bradley at bago pa man takpan ng lupa ang hukay ay titigil ang tugtog at biglang maririnig na magsalita ito.

Gamit ang isang speaker ay maririnig na nag ‘hello’ si Shay habang kumakatok na parang nasa loob talaga ng isang kabaong.


Makikita ang pagkagulat ng pamilya at kaibigan ni Shay na nasundan naman ng tawanan nang biglang sabihin nitong “let me out”.

Maririnig din si Shay habang sinasabi nitong madilim umano sa loob ng kabaong.

Dagdag pa niya sa naturang record, “Let me out. I can hear you! Is that the priest I can hear? I’m in the box, can you hear that?”

Sa bandang huli ng kanyang record ay kinantahan pa ni Shay ang kanyang mga maiiwang mahal sa buhay.

Samantala, sinabi ng anak nitong si Andrea sa kanyang post, “My dad’s dying wish, always the pranksters, you got them good Poppabear and gave us all a laugh just when we needed it!! I will love you forever #shayslastlaugh.”

Dagdag pa niya sa kanyang twitter post, wish daw ng kanyang tatay na i-play naturang record sa gitna ng kanyang libing.

“What a man, to make us all laugh when we were incredibly sad. He was some man for one man. Love you forever Poppabear,” saad pa nito

Facebook Comments