PANOORIN: Reaksyon ni Regine Velasquez habang nagsasalita si Catriona Gray, viral

10962
(Photo courtesy: Nhoie Gurrobat Facebook)

Kinagiliwan si Asia’s songbird Regine Velasquez matapos itong makuhanan nang ma-startruck kay Miss Universe 2018 Catriona Gray habang nagsasalita ito sa isang giant concert ng Frontrow sa Philippine Arena nitong Sabado.

Sa ibinahaging video ng Facebook user na si Nhoie Gurrobat, makikita ang singer na nakangiti habang nakatitig kay Gray nang magsalita ito sa libu-libong taong dumalo sa naturang concert.


Sa caption ni Gurrobat sinabi nitong, “Yaan mo Regine, hindi ka nag-iisa.”

Agad na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang video na karamihan ay nagbigay ng paghanga sa singer.

Sabi ng isang netizen, “I can see in her eyes her admiration towards Cat. I love you more Ate Reg.”

“Her reaction is so genuine. I love you ate Reg ❤❤❤,” sabi naman ng isang nagcomment.

Umabot naman sa mahigit 1 million views ang naturang video at nasa 70k likes, 9k comments at 44k shares na sa Facebook.

Facebook Comments