PANOORIN: Syrian vlogger, pinakyaw ang bigas ng isang magsasaka para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

(Photo: The Hungry Syrian Wanderer facebook)

Pinakyaw ng kilalang Syrian vlogger na si Basel Manadil ang saku-sakong bigas ng isang 71-anyos na magsasaka mula Floridablanca, Pampanga para ipamahagi sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Sa post ni Manadil sa kanyang facebook na The Hungry Syrian Wanderer, ibinahagi niya ang ilang larawan kung saan makikita ang tambak na sako ng bigas na tinda ng isang tatay na may hawak pang “FOR SALE BIGAS”.

Saad niya sa kanyang caption, “Pinakyaw ko na ang lahat ng panindang bigas ni Tatay. Mga tunay na BAYANI! Kung wala sila, wala tayong pagkain sa mesa. Saludo po ako sa mga local farmers🇵🇭🙏.”


Mapapanood naman ang naturang vlog sa kanyang youtube channel at matutunghayan ang naging paglalakbay ni Manadil papuntang Pampanga.

Kwento pa ni Manadil, tatlong oras siyang bumiyahe papunta sa lugar para direktang bumili ng bigas sa mga magsasaka.

Maaalalang nakaraan lamang ay pinakyaw rin ni Manadil ang lahat ng panindang kumot at trapal sa Caloocan bilang donasyon sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Umani naman ng papuri at samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang naturang vlogger.

Facebook Comments