PANOORIN: Tangkang pagpapakamatay ng isang lalaki, napigilan ng pulis

Umani ng papuri sa social media ang isang pulis matapos nitong mapigilan ang tangkang pagpapakamatay ng isang lalaki sa ParaƱaque City.

Sa Facebook post ni Jonas Christopher Araneta Encarnacion, ibinahagi niya ang video ng lalaki na plano umanong tumalon mula sa rooftop ng isang banko sa Kabihasnan cor. Quirino Avenue, San Dionisio, ParaƱaque.

Makikita sa video ang isang pulis, na ayon sa uploader ay mula sa ParaƱaque City Police 4 na nakikipag-usap at nag-alok pa ng pagkain sa lalaki.


Nang makahanap ng tyempo, dinakma ng kinilalang si PO2 Javier at isa pang rescuer ang lalaki at inilayo sa gilid ng gusali.

Umantabay din sa insidente ang rescue team ng Bureau of Fire and Protection.

Sunud-sunod naman ang “good job” comments mula sa mga netizen na nakapanood ng video.

Hindi naman naiulat ang dahilan ng lalaki sa pag-akyat sa gusali.

Facebook Comments