PANOORIN: Usa, nambulabog sa isang salon

Courtesy of Jenisse Heredia

Animo’y nagmamadali dahil huli na sa appointment ang usa na nanghimasok sa isang parlor sa New York.

Nakuhanan ng video ang pagbangga ng usa sa salamin na bintana ng Be.you.tiful Hair Salon sa Lake Ronkonkoma noong Sabado.

Pagkabasag ng salamin, tumalon ang usa sa ibabaw ng isang customer na naghihintay sa sofa at saka nagtatakbo sa loob ng parlor.


Nagsisisigaw naman at nagtangka pang magtago ang kliyente at ang naggugupit noon na si Jenisse Heredia, na siya ring nag-upload ng video.

Wala naman daw iba pang nasira sa parlor dahil agad ding umalis ang usa matapos malibot ang loob–maliban sa plantsa na makikitang sumabit sa usa nang palabas ito.

Facebook Comments