PANOORIN: Video ni Buboy ‘Pinoy Hachiko’ na nasagasaan

814
Screenshot via MCC Files on Facebook

Umani ng reaksyon mula sa mga netizen ang video kung saan nasagasaan si Buboy o tinaguriang ‘Pinoy Hachiko’ na nag-viral nitong Mayo.

Matatandaang sa kuha ng video na ibinahagi ni Mark Christian Arceo, naghihintay pa rin si Buboy sa amo na lingid sa kaniyang alam ay pumanaw na dahil sa atake sa puso.


Makikita sa video na ibinahagi ng MCC Files na nasagaan si Buboy ng isang puting van habang tumatawid ito.

Ayon sa isang netizen na nagkomento, “Pinabayaan nyo si Buboy. Nagpasikat lang kayo sa social media. You took videos and pictures of him mourning pero you never really cared for him. Di sya masasagasaan kung san if only you kept him just within your premises, fed him, hydrated him and took good care of him.”

Sagot naman ni Marcelo Ris, “Bago niyo sabhin yan alamin nyo nangyari di porket naaksidente pinabayaan na si Buboy. Nakalabas si Buboy ng di sinasadya. Kung naapektuhan kayo mas naapektuhan [ang] mga taong nag-aalaga sa kaniya. Mas nasasaktan sila.”

Sinabi rin ni Len-len Gache Abrantes, “Mas okay na rin po na nawala si Buboy buti na po yung kasama na siya ni Sir Marcelo. Tingin ko po God’s will na po yun para pong a dog’s way home. Hanap hanapin nya po yung amo niya.”

 

Facebook Comments

From Advertisers