PANOORIN: Zia Dantes, ginaya ang ‘aji ginisa song’ ng mommy Marian Rivera

Images from Marian Rivera on Instagram

Kinagiliwan ng netizens pati na mga artista ang video ni Zia Dantes na tila nagka-last song syndrome (LSS) sa jingle sa isang commercial ng mommy Marian Rivera niya.

Sa Instagram, ibinahagi ni Kapuso Primetime Queen ang pagkanta at pagsayaw ni Zia ng Ajinomoto Aji ginisa song.

“Even my little Zia can’t get enough of Ajinomoto Aji ginisa song!”


Nagkomento naman ang daddy Dingdong Dantes ni Zia at sinabing may kapalit na si Marian sa pagiging commercial model.

Bumuhos naman ng compliments at puso sa comment section mula sa mga tuwang-tuwang celebrities.

Facebook Comments