PANPACIFIC UNIVERSITY GRITTY SHARKS BASKETBALL TEAM, NAGWAGI BILANG 2ND PLACER SA ISANG INTERNATIONAL BASKETBALL TOURNAMENT

Naiuwi ng Panpacific University Gritty Sharks Basketball team ang pagiging 2nd placer sa 2023 Sias University Collegiate Basketball Tournament na ginanap sa Zhengzhou, China nitong nakaraang September 16-23 ngayong taon.
Ipinamalas ng mga atleta ang kanilang husay, teamwork , diskarte at determinasyon sa kanilang laro. Nakuha nila ang 4-1 record kung kaya’t sila ay naging 2nd placer sa nasabing tournament.
Isa sa nakakaproud sa ating mga kababayan dito sa ating probinsya ng Pangasinan ay napakaraming mahuhusay na atleta na kahit estudyante pa lamang ay ipinapakita na nila ang pagmamahal sa kanilang passion at pagbabalanse ng kanilang pag-aaral at extra-curricular activities na makakatulong sa kanilang self-improvement bilang isang indibidwal.

Todo suporta rin ang unibersidad sa kanilang mga student athletes upang mas magsikap pa sila sa mga susunod na basketball tournament. Congratulations mga idol, mula rito sa IFM DAGUPAN! |ifmnews
Facebook Comments