PANSAMANTALA | Bicam sa BBL, sinuspinde

Manila, Philippines – Hindi pa matatapos ngayong araw ng bicameral conference committee ang kanilang paghimay sa Bangsamoro Basic Law.

Ayon kay House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, mamayang hapon ay makikipagpulong ang mga lider ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Personal umano nilang idudulog sa Pangulo ang territorial issue at security implications na nakapaloob sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).


Maliban dito, aguusapan pa nila ang lahat ng mga natalakay sa bicam simula noong Lunes na gagawin bukas dito sa Mababang Kapulungan.

Posible pa aniya itong ma-extend hanggang sa July 16 araw ng Lunes bago nila tuluyang aprubahan sa bicam ang BBL.

Facebook Comments