Manila, Philippines – Nagtalaga si Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ng pansamantalang aakto bilang deputy commissioner ng Bureau of Immigration (BI) kapalit ni resigned Atty. Aimee Torrecampo-Neri.
Si Neri ay nagbitiw dalawang linggo na ang nakakaraan dahil sa personal na kadahilanan.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, si Marc Red Mariñas na head ng Immigration Port Operations Division muna ang aakto sa posisyon habang wala pang napipili ang Malacanang na kapalit ni Neri
Sinabi ni Morente na Patuloy pa ring gagampanan ni Mariñas ang kanyang tungkulin bilang hepe ng BI-Port Operations Division.
Pansamantalang pupunan ni Mariñas ang isang posisyon sa Board of Commissioners ng BI kasama sina Morente at Immigration Deputy Commissioner Tobias Javier.
Ang Board of Commissioners ang nagpapasya sa mga kaso ng deportation laban sa mga dayuhang lumalabag sa Immigration Laws ng Pilipinas.
Ang nasabing lupon din ang nag-aapruba sa lahat ng mga aplikasyon para sa immigrant at non-immigrant visa ng mga dayuhan