PANSAMANTALA LANG | Pagkakapasok ni Janet Lim Napoles sa provisional WPP hands off muna ang Malacañang

Manila, Philippines – Ayaw pang magkomento ng palasyo ng Malacañang sa
issue ng pagkakapasok ni Janet Lim Napoles sa Provisional Witness
Protection Program (WPP) ng Pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi pa sila dapat
magbigay ng anumang reaksyon sa issue dahil pansamantala lang naman ang
pagkakapasok ni Napoles sa WPP.

Paliwanag ni Roque, magkakaroon pa ng evaluation ang panel of prosecutors
na siya namang magrerekomenda kung itutuloy o hindi ang pagpasok ni Napoles
sa programa.


Sa ngayon aniya ay hands off muna si Pangulong Rodigo Duterte sa usapin
dahil wala pa namang desisyon.

Sa oras aniya na maging pinal na ay aalamin niya mismo sa Pangulo kung
pabor ba ito o hindi sa desisyon ng Department of Justice (DOJ).

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments