PANSAMANTALA | Naarestong si Ozamiz City Councilor Ricardo Parojinog, posibleng ikulong muna sa PNP Custodial Center sa Camp Crame

Manila, Philippines – Ikukulong muna sa PNP Custodial Center sa Camp Crame ang naarestong si Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot Parojinog.

Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson Police Chief Superintendent John Bulalacao sakaling dumating na ito sa bansa mula sa Taiwan kasama ang Philippine Authorities.

Si Ardot ay naaresto ng Taiwanese Authorities itong May 23 ng gabi sa Pingtung County Taiwan.


Pero ayon kay Bulalacao kung maglalabas ng utos ang korte na ikulong ito sa ibang piitan ay kanila itong susundin.

Dahil inamin ni Bulalacao na nais na ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na magamit na lamang ang PNP Custodial Center para sa mga pulis na sangkot sa katiwalian.

Si Ardot ay sampung buwang nagtago sa batas.

Matatandaang August 2017, nagpalabas ng lookout bulletin ang Department of Justice (DOJ) laban kay Ricardo matapos ang ginawang pagsalakay sa bahay ng mga Parojinog kung saan narekober ang mga armas at bala.

Facebook Comments