Manila, Philippines – Pansamantalang pinigil ng Korte Suprema ang operasyon ng Angkas mobile app kasunod ng petisyon na isinampa ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board o LTFRB na kumukwestiyon sa desisyon ng Mandaluyong Regional Trial Court noong Agosto.
Sa resolusyon ng Supreme Court 2nd division, inatasan nito si Judge Carlos Valenzuela ng Mandaluyong Regional Trial Court branch 213 na huwag muna ipatupad ang kanyang naging pasya na nagbabawal sa mga otoridad na hulihin o pigilin ang operasyon ng Angkas app.
Ang Angkas app ay isang ride hailing app para sa mga motorsiklo.
Una nang dumulog sa Mandaluyong RTC ang ANGKAS app kaugnay ng pagbabawal sa kanila ng LTFRB, na siya namang pinaburan ni Judge Valenzuela kaya inakyat ng LTFRB ang usapin sa Kataas Taasang Hukuman.
Mananatili ang TRO ng Supreme Coury hanggat hindi binabawi ang desisyon.
Pinagkokomento naman ng SC ang Mandaluyong RTC sa petisyon ng LTRFB.