Ipinatupad na ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban sa importasyon ng domestic at wild pigs, pork products at by-products mula sa Germany.
Ginawa ng DA ang hakbang kasunod ng kumpirmasyon ng unang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Schenkendobern, Spree-Neiße, Brandenburg sa Germany na nakaapekto sa wild boar.
Bukod sa temporary ban, nag-isyu na rin si Agriculture Secretary William Dar ng agarang suspensyon sa pagproseso at ebalwasyon ng aplikasyon.
Gayundin ang pag-iisyu ng sanitary at Phytosanitary import clearance sa domestic at wild pigs, pork products at by-products mula sa naturang bansa.
Lahat umano ng shipments ng pork products mula sa Germany papasok ng Pilipinas ay kukumpiskahin na ng Bureau of Animal Industry Veterinary Quarantine Service officers sa lahat ng pangunahing ports of entry sa bansa.