Manila, Philippines – Nagdeklara na ng walong araw na unilateral ceasefire ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).
Ito’y matapos ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pansamantalang kapayapaan ngayong kapaskuhan.
Ayon kay NPA Spokesman Jorge ‘Ka Oris’ Madlos – umiiral na ang ceasefire sa kanilang panig na nagsimula alas-6:00 sabado ng gabi (Dec. 23) na magtatagal hanggang Dec. 26 ng alas-6:00 ng gabi.
Ipatutupad muli ang tigil-putukan sa December 30 ng alas-6:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng gabi ng January 2, 2018.
Sa ilalim nito, lahat ng NPA units ay pinatitigil sa pagsasagawa ng opensiba laban sa mga unipormadong tauahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Pero nananatili pa ring nasa ‘active defensive mode’ ang mga rebeldeng komunista.