Pansamantalang lockdown sa mga training school ng PNP ikinokonsidera sa harap ng pagkalat ng nCoV ARD

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang pansamantalang pagpapatupad ng lockdown sa kanilang mga training school katulad ng Philippine National Police Academy (PNPA) at National Police Training Institute (NPTI) at lahat ng PNP Regional training school.

Ito ay upang masigurong makakaiwas ang mga nasa training school sa nakakahawa at nakakamatay na Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease.

Pero ayon kay Philippine National Police Chief General Archie Francisco Gamboa, gagawin lamang nila ang lockdown kung irerekomenda ito ng Department of Health (DOH).


Masusi aniya ang kanilang ginagawang pag-aaral para ipatupad ito dahil marami ang implikasyon nito sa mga training school ng Philippine National Police (PNP).

Kapag nagpatupad kasi ng lockdown hindi na magpapasok sa mga training school na ang layunin lang naman ay hindi sila mahawaan ng nCoV ARD.

Batay sa ulat ng DOH mayroon ng dalawang indibidwal na kumpirmadong positibo sa nCoV ARD sa Pilipinas.

Facebook Comments