Sang-ayon si Senator Koko Pimentel na hayaang umiral ang election ban ng Commission on Election (COMELEC) kahit apektado nito ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga driver at operator ng pampublikong transportasyon.
Dahil sa election ban ay pansamantalang nahinto ang pamimigay ng ayuda sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Pero paliwanag ni Pimentel, layunin ng umiiral na COMELEC election ban na mapigilan ang vote buying o maiwasan ang impresyon ng vote buying.
Bunsod nito ay ikinatwiran ni Pimentel na isang buwan na lang naman bago mag eleksyon kaya tanggapin at sundin na lang natin ang naturang patakaran ng COMELEC.
Facebook Comments