Pansamantalang pagsasara ng DFA main building, epektibo na ngayong araw

Epektibo na ngayong araw ang pansamantalang pagsasara ng Department of Foreign Affairs (DFA) main building sa Roxas Boulevard, Pasay City.

Layon nito na bigyang daan ang assessment ng DFA sa public health at safety measures sa tanggapan.

Hindi pa masabi ng DFA kung hanggang kailan mananatili ang pansamantalang closure ng DFA main building


Samantala, mananatiling bukas sa publiko ang DFA-Consular Office sa ASEANA at ang iba pang Consular Offices ng DFA.

Facebook Comments