CALASIAO, PANGASINAN – Ipapatupad sa lokal na pamahalaan ng Calasiao ang temporary closure ng tanggapan ng Main Municipal Hall building dahil nakapagtala ito ng positibo sa nakakahawang sakit na COVID-19 sa bayan.
Nilagdaan ng alkalde ng bayan ang Executive Order no. 94 series of 2021 o pansamantalang pagsasara sa lahat ng mga tanggapan ng Main Municipal Hall building, na mag uumpisa sa July 13-15, 2021 upang bigyan daan ang massive decontamination at disinfection sa lahat ng lugar sa naturang opisina.
Magbabalik naman ang operasyon sa tanggapan kung magiging ligtas na sa lugar at sa abiso ng Municipal Inter Agency Task Force on COVID-19.
Itinuturing din na closed contacts ang mga nakasalamuha ng nagpositibo sa sakit kung Isasagawa din ang mass testing sa mga empleyado nito sa RT-PCR Test para malaman kung may nahawaan pa ang mga nagpositibo sa virus.
Magpapatuloy naman sa operasyon ang mga tanggapang hindi sakop ng naturang lugar.
Samantala, sa pinakahuling datos ng PHO, ay mayroong 25 aktibong kaso sa sakit at patuloy naman sa paghikayat at pagpapaalala ang mga awtoridad sa mga mamamayan ng Calasiao na sundin lamang ang mga health and safety protocols kontra COVID-19.