Sinuportahan ng Malakanyang ang desisyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magpatupad ng pansamantalang suspensiyon sa deployment ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Israel.
Sa gitna ito ng patuloy sa tensyon sa nasabing bansa kung saan aabot sa 30,000 mga manggagawang Pinoy ang apektado sa nagpapatuloy na sagupaan ng Israeli forces at Hamas militants sa Gaza.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, magiging malaking tulong ang suspensiyon upang mapangalagaan ang mga Pilipinong nananatili sa nasabing bansa.
Sa ngayon, itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) Alert level 1 sa Israel at West Bank habang habang nakataas ang Alert Level 2 sa Gaza.
Wala namang naiuulat na mga pinoy na nasaktan o nasawi sa nangyayaring kaguluhan na magdadalawang-linggo nang nagaganap.