Baguio, Philippines – Nakipag-usap si Mayor Benjamin Magalong kasama sina City Engineering Office execs Engrs. Edgar Olpindo at Januario Borillo kay Mr. Dwight Bello, may-ari ng isang ari-arian sa 8,000 metro kuwadrado sa Lamtang para sa iniaalay niyang libreng paggamit ng pamahalaang lungsod bilang pansamantalang istasyon para sa mga nahilang mga sasakyan na napapailalim sa towing ordinance ng lungsod. Kasya sa lote ang 80 na mga sasakyan. Matatandaan na naipasa ang “Towing Ordinance” noong Hunyo 2018 at inumpisahan ang implementasyon noong Agosto, kaparehong taon. Sa Pagtutuos, mahigit ng dalawampo ang nahilang mga sasakyan na ilegal na nakaparada sa mga lansangan.iDOL, ano ang masasabi mo sa iniaalok na site?Tags: Luzon, Baguio, iDOL, Towing Ordinance, Benjie Magalong.
Pansamantalang Towing Site, Alamin kung saan!
Facebook Comments