PANSARILING INTERES? | Reclamation Project sa Manila Bay, kinondena ng ibat ibang sektor

Manila, Philippines – Mariing kinondena ng isang mambabatas at iba’t ibang sektor sa kalikasan ang plano ng lokal na pamahalaan, lungsod ng Maynila na 318 hektaryang Reclamation Project sa Manila Bay.

Sa ginanap na Presscon sa Manila, sinabi ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza na malaking panganib sa mamamayan ng Maynila ang naturang proyekto dahil ito ang magiging sahi ng matinding pagbaha sa lungsod.

Masidhi aniya ang pagsusulong na matuloy ang reklamasyon dahil sa sariling interest ang iniisip at hindi ang mamamayan.


Kaugnay dito, nilinaw ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na walang katotohanan na ang Reclamation Project na may hidden agenda o pansariling interes ang alkalde kundi nakalaan ito sa mga mamamayan ng Maynila.

Paliwanag ni Estrada, kapag natapos na ang kanyang termino kahit isang butil umano ng reclaimed area ay wala siyang maiiuwi dahil para umano ito sa mamamayan ng Maynila upang ikauunlad ng lungsod.

Facebook Comments