PANTABOY HAYOP | Tren sa Japan, tumatahol na parang aso

Japan – Alam niyo ba na problema sa Japan ang mga hayop na palaging napapadpad sa mga riles na madalas dahilan ng mga aksidente.

Ayon sa Transport Ministry ng Japan, mahigit 600 ang bilang ng mga hayop na nasagasaan ng tren noong 2016 na nagdulot ng 30 minutong pagkaka-delay ng byahe.

Kaya nag-isip ng paraan ang Railway Technical Research Institute (RTRI) kung paano ito masolusyunan…


Dito, kinakabitan nila ang mga tren ng speaker na nagpapatugtog ng “Tahol ng Aso” para maitaboy ang mga hayop na dumadaan at tumatambay sa mga riles.

Effective naman ang naisip na solusyon ng kompanya dahil bumaba ng 40 percent ang bilang ng mga insidente.

Nagpapatugtog muna ang mga tumatakbong tren ng recorded na ungol ng usa ng tatlong segundo matapos nito ay saka naman patutugtugin ng 20 segundo ang recorded na tahol ng mga aso bilang panakot sa mga usang nananatili pa rin sa gitna ng riles.

Facebook Comments