Pantalan sa Maynila, tigil-operasyon dulot ng masamang panahon

Naka-tengga at hindi makapasok ang karamihan sa truck papuntang pier sa Maynila matapos makansela ang kanilang operasyon dahil sa sama ng panahon.

Hindi kasi makapag-operate ang crane sa pantalan dahil sa bugso ng hangin.

Sa insidente, damay ang iba pang motorista kung saan pati sila nakaranas ng pagbagal ng trapiko sa Roxas Boulevard.


Aminado si Atty. Jay Santiago, General Manager ng Philippine Ports Authority (PPA), na ang pagkukulang sa nasabing problema ang mas maagang abiso ng mga operator na huwag nang tumuloy sa pantalan ang mga truck na hindi maaasikaso dahil sa masamang panahon.

Sa ngayon nasa 50 truck na ang pinapasok sa pantalan para mabawasan ang siksikan sa kalsada.

Samantala, hindi pasado para kay Atty. Santiago ang panukala na magkakaroon ng kanselasyon ng operasyon depende sa deklarasyon ng PAGASA.

Paliwanag nito, may pagkakataon na ang forecast ng PAGASA ay hindi tugma sa aktwal na nararanasan sa pier dahil may parte na mas malakas o mas mahina ang buga ng hangin.

Humingi na ng dispensa si General Manager Santiago sa iba pang apektado lalo na ang mga motorista na dumadaan sa R10 at Roxas Boulevard.

Facebook Comments