Tiniyak ng DSWD na hindi maapektuhan ang serbisyo nito kahit mag-operate pa ang gobyerno sa reenacted budget sa 2019.
Ito ang ipinahayag ni Undersecretary Florita Villar sa pangamba ng mga benepisaryo na maudlot ang kanilang kapakinabangan sa Pantawid Pamilya Program at iba pang assistance program.
Ayon kay Villar, unang dalawang buwan lamang at hindi naman buong taon na reenacted ang budget ang gagamitin kung kaya walang dapat ikabahala ang mga umaasa sa tulong ng DSWD.
Tuloy pa rin aniya at may salapi pa rin na ipantutustos sa pantulong sa mga mahihirap katulad ng feeding program, livelihood assistance at iba pa.
Mahigit 136 billion pesos ang hinihinging budget ng DSWD kung saan malaking bahagi o katumbas ng 129 million pesos ay nakalaan na sa mga assistance program nito.